election fever

Nakakaloka ang election kahapon. Excited ang lahat. Curious sa kung paano ba gamitiin ang PCOS Machine, at kaninong pangalan kaya ang iitiman ang bilog na hugis itlog. 11:30 am, nakisabay ako sa kapitbahay namin pumunta sa Voting Precinct. At nakaboto ako ng 1:15 pmm isang oras ako nakapila, walang vip treatment, na hindi ko din naman hinihingi, kaya sorry sa ibang tao na nagsasabing pa star daw ako. In fairness sa akin, nakipagkwentuhan pa ako sa mga old friends ko and even sa mga taong hindi ko kakilala ay chika to the max ako.

Nakakapanibago kasi eto ang pinakamainit na eleksiyon na napuntahan ko. Literal! Mainit talaga! Parang pugon!

I remember the last 2 elections na naganap, hindi ganito kainit, summer man, pero hindi ganito kadusa, as in, nagka rashes ako, sa leeg, sa likod, at sa braso, bungang araw talaga at nasunog ang mukha ko, as in, sunog, daig ko pa ang nag swimming sa beach.

Whew! Dusa! Grabe! Pero super proud ako, kasi naging part ako ng very first automated elections sa ating bansa.
Hindi man nanalo karamihan sa mga ibinoto ko, at least na i voice out ko ang gusto ko.

Isa lang ang napansin ko, bakit hindi ko kakilala ang karamihan sa mga pangalang nabasa ko for local positions sa balota? At bakit sila pa din ang ibang pangalan na nakalagay doon? Ano nga ba ang nagawa nila? Bakit ko sila ibinoto? Bakit hindi ko na lang ni left blank ang iba?
Taga dito naman ako sa Biñan, pero bakit hindi ko sila madalas makita? Ah, oo nga pala! Ang iba nakikita ko sa mga patay at parties. Pero minsan lang.
Sayang kasi di ba?
Walang choice?
Problema ko yan! Siguro hindi ko inalam kung sinu-sino nga ba ang mga iboboto ko.

Siguro, tanga lang ako at hindi ko alam kung ano ang nagawa nila sa bayang ito.
O baka naman siguro, tulog ako kapag umiikot sila para mangampanya sa lugar namin.

Puyat kasi ako, sa kasagsagan ng campaign, nasa Batangas ako, para mangampanya para sa isang kandidato doon.

Wala naman ako nakuhang raket sa Biñan nung campaign. Hulaan ko kung bakit?

1. Mahal kasi ang tf ko?
2. Hindi kasi ako kilala. ng mga tao sa Biñan?
3. May nag OPM sa akin na kukuhanin ako pero nawala na nung kampanya na?
4. Ang nag OPM sa akin ang mismong dumaot sa akin para hindi na ako kuhanin para mangampanya?

Bitter? Hinde ha! Kasi may raket naman ako.
Hahahahaha! Nakakaloka talaga! Kaya laking pasasalamat ko sa mga taong nagbigay sa akin ng raket, namely, Kuya Dong and Reyn... Naranasan ko na kung paano lumagare ng raket. Naachieve ko na ang pagiging busy. Hahaha! Nakakatawa pero totoo... Kaya eto, balik sa normal na buhay. Pahinga, guesting once in a while. Raket pag meron, audition pag meron... Ganyan lang naman ang buhay. Work hard, then save. Enjoy life... Thank God for all the blessings...

2 komento:

Aiiya ayon kay ...

yiheee ang saya basahin ng blog mo hahaha .. ito na lang gawin mong raket ;)... hrrrmmss im curious kung kanino ka nag boto for president ....

anyways more blessings led more blessings pa ang dadating sayo =D

tinybabols ayon kay ...

MAGANDA TALAGA UNG SHOW NI VICE NANDUN KA PA D MAS BONGGA DBA DOLLY.... HEHEHEHEHE MAGANDA DIN ANG DUET NI JAYA AT VICE SA HABANG MAY BUHAY... UNG STINT NI JOHN LLOYD NA MAY FLOWERS EFFECT KAY VICE HANBANG KINAKANTA ANG MGA THEME SONG NG FILM NI JOHN LLOYD AT SARAH G.... BONGGA DIN TALAGA AT NAGHUMIYAW ANG MGA TAO NUN SINABAYAN NG KANTA NI LLOYDIE SI VICE AHAHAHAHA KAKAKILIG SI LLOYDIE SA KAGWAPUHAN....