I FEEL SO OLD...

I'm 29 yrs. old na, turning 30 this October. And I feel so old. Parang hindi lang 29 ang pakiramdam ko. These past few months, mga barkada ko ay nasa 19 to 25 age group. Kaya INAY ang tawag nila sa akin. I don't feel comfortable pag ako ang sumasabay sa mga trip nila. Sometimes, I don't understand their feelings and needs. I ask myself most of the time kung ganun ba ako nung mga panahong ako ang nasa age nila ngayon. Hindi ko ma dig ang mga andar ng utak nila. Now I understand kung bakit ako pinapagalitan ng Mommy ko noon. Matigas pala talaga ang ulo ko. Masayang kasama ang mga bagets. COOL!
I have this teenybopper friend na girl, na masayang kasama, maganda and sexy. I always tell her to enjoy being a dalaga and bata. I told her na nung time ko, sana I was like her, na rampa all the way. But merong negative side ang pagiging rampa girl niya. Naba brand siya as Malandi, Bitch, etc... She was so misunderstood. Nakaka sad talaga how people judge you sa kung ano ang nakikita nila sa'yo. Pero I know wala naman talaga siyang ginagawang masama. Bilang isang pretty, sexy and funny girl, lapitin talaga siya ng mga boys. And for other people, malandi na siya. Sa point of view ng isang taong nasa age ko. I don't see her as malandi. For me, it's very ok na she is making chika with boys. At least, chika lang and she knows her limitations.
I have this gay friend na college graduate, about 25 yrs.old na. Meron siyang problems about relationships and family. I was amazed by the way he handle his problems. To strong for a 25 year old gay. When I was 25, my life has no direction. hindi ko alam kung ano ang gusto ko, at kung ano ang mangyayari sa akin. I was a BAHALA NA SI BATMAN person then. Hindi ko inisip kung ano ba ang dapat kong gawin sa buhay ko noong mga panahon na iyon. Kaya super hanga ako sa friend ko na ito.
I also have this gay friend in his 20's. Nanghihinayang ako sa kanya. According to him, his family is some kinda well off. OK! GIVEN! Pero hindi halata. Kung titignan mo siya kung paano siya umeksena at manamit, maiisip mo na, TAMA! Mayaman nga siya! But sa pananalita at pagiisip niya. Daig pa niya ang basura. He tries to be somebody and nilelevel niya ang sarili niya sa mga taong may sinasabi sa buhay. Which is very wrong. Poor him! When I was his age, napakamahiyain ko. I'm like a damong makahiya. Kapag napunta sa akin ang attention ng tao, unti unti akong tumitiklop. Ibang iba sa kanya, he loves attention. Masama man o maganda, nag eenjoy siya. Very showbiz. Meron siya ng lahat ng meron ang ibang tao.Dumadating na sa point na natatapakan na niya ang ibang tao na kinakaibigan niya. And I am wondering, paano pa kaya kung dumating siya sa age ko? Eh di baliw na ang tingin sa kanya. Lalo na when it comes to boys, ibibigay niya ang langit at lupa makuha lang niya ang lalakeng gusto niya. pero saan niya kukuhanin ang langit at lupa? hindi naman nabubuo ito sa pamamagitan ng laway dahil iyon lang ang meron siya. Nung edad ko na ganun, takot na takot akong mag OPM(Oh Promise Me) sa lalake. Kabaligtaran niya. Na talaga nga namang kaya niyang sabihin sa tao na meron siya kahit na wala naman.
Sila ang mga dahilan kung bakit I feel so old. Hindi dahil sa pinoproblema ko sila, pero dahil because of them, natututo ako. maraming bagay. Di ba nga Age Is Wisdom.
Alam ko na kung ano ang sasabihin at ikikilos ko sa buhay. At masasabi ko nang madalas ang katagang "MATANDA NA AKO PARA SA MGA GANYANG BAGAY".

Walang komento: