GOODBYE.

Last night, naginuman kami ng barkada... Ang saya saya! And on my way home, naisip ko, bakit sa kabila ng kasayahan ko ngayon, may mga negative vibes pa din. Siguro it's time for me to say goodbye sa mga ito... Hindi naman lahat masama ang nagawa sa akin, pero I still have to let go of them. To unleash the new me...
1.Paalam Jaya... (My stage name nung banda pa ako)Maraming salamat, malaki din ang kinita ko sa'yo. Dahil sa'yo, madami akong natutunan, nagawa at naipakita. Pero kailangan mo nang magpahinga. Alam kong pagod ka na din. Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan. Pero paalam na sa'yo.
2.Goodbye R.- Paalam na sa'yo. Napasaya mo naman ako kahit sandali. Hindi naman puro masama lang ang nagawa mo sa akin. May maganda din naman. At ito ay ang ituro sa akin na maging matalino at wag magpaloko. Naging instrumento ka para matutunan ko kung paano mahalin ang sarili ko. Paalam na sa ngiti mo na nagpatibok ng puso ko noon.
Alam kong hindi tayo para sa isa't isa. Sorry kung may nagawa akong masama sa'yo. At sorry kung may mga nasabi akong masasakit sa'yo. Alam kong pinagsisisihan mo din ang mga nagawa mo sa akin. Pero pinapatawad na kita. Ayoko na ng tuwing mapapadaan ako sa lugar nyo, lumilingon ako at sisipatin ko kung andun ka. Ayoko ng hindi ako nakahanda kapag nagkasalubong tayo. Ayokong maging plastik kapag nakaharap kita kung di kita papansinin o kakausapin kita. Gusto ko maluwag sa dibdib ko kung ano ang gagawin ko kapag nakita kita. Kaya para sa'yo ang kapatawaran ko. You deserve it.
3.Paalam FATBABES- Paalam na sa'yo. At maraming maraming salamat. Tinupad mo ang pangarap ko. Ang maging isang Spice Girl. At naranasan ko 'yun dahil sa'yo. Ang sarap ng experience ko sa'yo. Ang dami na din nating pinagdaanan. Pero kailangan ko nang magpaalam sa'yo. Para masanay na akong magperform ng solo. Sa dalawang taon ko sa showbiz, nagkakaroon ako ng chance na mag perform kung saan saang lugar. Minsan, akala ko kasama ko pa din kayo. Minsan, may stage fright pa din ako. Hinahanap ko ang mga kabanda ko, lumilingon ako sa kaliwa at kanan, dahil akala ko may sasalo sa akin kapag nagkamali ako, o kung may nakalimutan akong linya. Siguro naman, sanay na din akong mag isa, pero minsan, naririnig ko pa din ang ingay ng mga instrumento mo. Madalas, naikukumpara kita sa ibang banda. Kailangan ko nang magpaalam sa'yo. I'm your Ex BABE but still a FAT. Salamat! No words can describe you. I'm only saying goodbye to the band, and not to the people behind the Fatbabes, my two sisters, the boys and Tita...

4.Goodbye Tropang Boys- halos magiisang dekada na din tayong magkakatropa, nandun kayo nung wala pa ako, hanggang napunta ako dito. Salamat sa mga masasayang gabi ng inuman, kwentuhan at chismisan. Maraming salamat sa inyo sa pagtanggap nyo sa akin as tropa kahit naiiba ako sa inyo. Pasensya na kung minsan ay ako ang nasusunod. Wala akong magagawa dahil pinapakita nyo naman na sumasang ayon kayo sa mga trip ko. Kung hindi nyo trip sana sinabi nyo, para hindi tayo naglolokohan. Salamat sa maikling panahon na naipakita nyo sa aking importante ako bilang tao. Pero hindi ko na mapapalampas ang pagiwas nyo sa isang kwento na kayo naman ang nagsabi sa akin. Pinaputok nyo ang fuse ko. Paalam sa inyo. At SALAMAT! Basta tandaan nyo lang lagi, na ang tunay na lalake, may isang salita.

5.Paalam Kaibigan kong Baklang Madaldal- Salamat sa pang aaliw mo sa akin tuwing magkasama tayo. Naibigay ko ang lahat ng pwede kong itulong sa iyo. Ngunit sa kabila nito, nagawa mo pa din ang mga bagay na hindi gawain ng isang kaibigan. Hindi ko na problema iyon. Buti na lang hindi ako nagtiwala ng labis sa'yo dahil alam ko na ang hilatsa ng mukha at tabas ng dila mo. Pero tinanggap pa din kita bilang isang kaibigan. Pero binalewala mo 'yun. Nagawa mo pa din kaming siraan sa ibang tao. Pinapatawad na kita. Goodbye. And GOODLUCK!

6.Goodbye E.- Salamat sa maikling panahon na pinakilig at pinatibok mo ang puso ko. Hindi man naging tayo. Muntik lang! Pero ayoko nang umasa pa. At ayoko naman din na umabot pa tayo sa puntong hahanapan kita ng time at attention. Alam ko namang hindi mo maibibigay iyon. Palalampasin ko na ito.

abangan ang mga susunod na paalam...

Walang komento: