One Room

1985 lumipat na kami sa Biñan from Q.C. Biñan is my mom's hometown. She rented an apartment in TulayBato,SanAntonio Biñan,Laguna. So talagang I spent my whole life na dito. Lalo na ang brother ko na he's still a sanggol when we stayed here. 6 doors apartment, pang 4th ang sa amin. 2 bedrooms, maganda naman, maluwag, maaliwalas and very clean. Grabe si Mommy when it comes to cleanliness. Kaya even you wanted to lie down on the floor, hindi ka madudumihan. Lumaki ako na natutulog kaming magiina sa isang kwarto. Kaya nasanay ako ng may dinadantayan ng paa, makinig sa am radio at umihi sa arinola. Ang sleeping arrangement namin dati, kaming magkapatid ang magkatabi. Si Mommy ang nakahiwalay na bed. Pero ngayon silanmg dalawa na ni Carl ang magkatabi ako na sa ibang bed. Noong student pa ako, wala silang problema sa akin, because wala akong choice kundi matulog kapag pinatulog na ako ni Mommy. Pero ngayong matanda na ako, sila na ang walang choice kapag nagbukas ako ng tv. Dati kasi wala naman kaming tv sa ibaba ng bahay. Dito lang talaga sa kwarto. Kaya wala kang choice kung gusto mong manood, aakyat ka ng bahay. Kapag gusto mo umidlip dito ka lang sa kwarto na ito. Madaming bawal. Bawal mag akyat ng food, kasi dadami ang langgam. Bawal maglakas ng volume ng tv kapag may iba ng natutulog. At higit sa lahat, BAWAL UMUTOT.
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Walang komento: