Have You Ever?

Have you ever been inlove with a STRAIGHT GUY na sobra pag kasama mo siya hindi ka normal? Nagbabago ang ikot ng utak mo kapag kasama mo siya, umiikot ang puwet mo. Ayaw mo siyang titigan, hindi mo siya kinakausap. Pero gusto mo magkasama lang kayo. Hindi mo masabi sa kanya na gustong gusto mo siya. Hindi mo maipaliwanag. Bakit kaya? Natatakot kang mawala siya. Once masabi mo sa kanya na gusto mo siya, natatakot kang iwasan ka niya. Kaya itinatago mo na lang. Pero kusang nagiging obvious ito, kasi nga nag-iiba ka kapag kasama mo siya.

Nainlove ka na ba sa isang taong hindi mo type? Bawat isa sa atin merong tipo. Gusto ko ganito ang itsura niya, ganito ang katawan, ganito ang kulay. Pero bakit 'yung hindi mo type, dun ka pa nagkagusto? Mas complicated tuloy. Mahirap. Nakaka praning talaga. Pero ganoon ka talaga. Masikreto, Malihim, at Mahiyain. you just wish that you could have him. Pero hindi pwede.

Wala ka na lang ibang gagawin kundi maghintay ng text niya. Maghintay kung kelan magkakaroon ng chance na magkasama kayo. Hindi ka sigurado sa kung ano ang itinatakbo ng utak niya. Kung ayaw niya sa'yo o gusto, pero you just don't care. Hindi mo alam kung inuuto ka lang niya, pero it's ok for you. Just to be with him, you will do anything. You are just so in love with him. You don't know why. Pero gusto mo talaga siya.

Wala ka na bang ibang gagawin kundi hintayin siya? Sa chat? Sa text? Silipin lagi ang profile niya?  Nagseselos ka kapag nalaman mo na may iba siyang kasama. Kapag may iba siyang ka text. Nasasaktan ka. Kasi you just wish na sana ikaw iyon. Pero hindi. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa kanya kasi hindi naman kayo. At hindi ka din naman ganoon kagaga para magdemand kasi nga hindi naman kayo.

Hindi ka naman nag expect ng anything from him, pero you just wanted to be his friend. MAYBE?! In time, mawawala din ang pagka ilang mo sa kanya. Ang pagkakilig mo ng lihim kapag magkasama kayo, kapag magkausap kayo.

There is a connection between you and him. Siguro not nung first time mo siyang makita, kasi nga hindi siya ang tipo mong lalake. Kind-hearted, Intelligent, Articulate, open-minded, compassionate, Funny, Masculine while being in touch with your feminine side. Basically nakita mo sa kanya ang Dream Guy mo na akala mo hindi mo na makikita. You have all the reasons to stop wanting him, pero hindi mo ginagawa kasi ineenjoy mo ang nararamdaman mo, na matagal mong hindi naramdaman sa mahabang panahon. When was the last time you fell in love ng ganito? A year ago? Two years ago?

Pero alam mo naman na hindi ka niya gusto. Well, hindi ka sigurado. Pero bilang isang GAY na nagiisip, alam mong imposible. Maaaring gusto ka lang niyang kaibigan, o talagang inuuto ka lang niya. Pero nag eenjoy ka. Masochista ka eh.

Kaya eto ka, nahihirapan, kasi ilang araw na kayo hindi nagkikita, ilang araw na kayong hindi nagkakausap. Tinataguan ka ba niya? O sadyang hindi ka lang niya kailangan sa ngayon?









1 komento:

for your ice only ayon kay ...

hindi pa ko nmaiinlove sa kapwa gay... laging sa straight... and yes tama iikot ang pwet mo,... :)