GAY-GIRL Relationship

Ako ay BAKLA! Walang halong panlilinlang. Simula pa lang na aking career as a stand up comedian at band vocalist. I'm into impersonations and cross dressing. Baklang bakla. Magsuot man ako ng Barong Tagalog o kumanta man ng pang Lalake. BAKLA AKO!

Dumating din ako sa period ng Identity Crisis. Lalo na nung elementary. Hindi ako maka astang bakla. Nahihiya ako. Sa Pamilya ko, sa School, sa mga tao sa paligid ko. Natatakot kasi ako noon na mangyari sa akin ang mga panlalait at pangungutya na nadadanasan ng mga BAKLA.

Hanggang maging Binata na ako. I'm very concious on physical changes. Maiitim ako, and uso ang mga mapuputi. Pag bakla ka, at maiitim ka, dugyot ka! Kaya panay gamit ko ng whitening soap and lotions. Gustong gusto kong magka Boobs noon. Concious ako sa katawan ko kasi mataba ako. Concious ako, kasi dati Bakla lang ang tawag sa akin, ngayon naging, "Baklang Baboy" na.

College. Hell! As in! Nung sa Perpetual University ako nag 1st and 2nd Year. Grabe! Impyerno talaga. Although there are a lot of gay students sa school, lahat kami, I'm sure! Nalalait at naaalipusta. Sa pathway pa lang. Hanggang sa classroom. I'm just in my teen years that time so I have a choice kung itutuloy ko ba ang kabaklaan ko, o itatago ko na lang. Pero transfer ako sa Dominican College, super open sila sa tulad ko. Reyna ang turing sa akin ng mga classmates ko. Ilan lang kaming bakla dun. Although meron pa ding panlalait, pero hindi na ganun kalala like sa Perps. Dumating sa point na tinamad na akong mag aral.

Sinabi ko sa sarili ko, gagamitin ko na lang ang Kabaklaan ko, para kumita. Para maging kapakipakinabang. Para maging isang taong may silbi sa aking bansa.

Hindi naman ako nabigo. Nagawa ko ang gusto ko. Nakamit ko ang nais ko. At nakuha ko ang inasam ko. Pero hindi natin mapipigilan, may maririnig ka pa din. Pero ngayon, kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko at lumaban.

Alam ng tao ng BAKLA ako, walang masama doon. Alam nating lahat na lalake ang gusto ko. STRAIGHT! Meron ding mga bakla na gusto ay katulad din nila o ang tinatawag nilang "BI", meron ding bakla ay gusto ng brusko, matipuno at lalakeng lalake. Iba iba ng trip kumbaga. Pero hindi ko gusto ang BABAE!

Oo! gamit na gamit na ang kasabihang "ginawa ng DIYOS ang lalake para kay babae". OK! ALAM KO NA! Pero BAKLA ako. HELLO! Never ko naimagine ang sarili ko bilang isang BAKLA, na naglalakad sa mall at may kayakap o kahalikan na isang BABAE.

OK! POSIBLE NAMAN NA MAINLOVE ANG ISANG BADING SA ISANG BABAE! ONE IN A MILLION! HINDI PWEDENG LAHAT NG BAKLA, MAINLOVE SA MGA BABAE! ILAN LANG SILA!

KUNG ANG BABAE AY KA AGE LANG NG BAKLA, LET'S SAY, CLASSMATE NIYA, NA NAINLOVE SIYA. OR KAPITBAHAY NIYA NA NAINLOVE SIYA. OK! TRUE LOVE YAN! WALANG PROBLEMA!

PERO NAMAN!!!

KUNG ANG BAKLA AY DI HAMAK NA MAS BATA SA BABAE! IBA NA ITO! HUWAG NYO AKONG LOKOHIN NA "LOVE" ITO!

PWEDE BA?!

OK! I'LL GIVE YOU GUYS THE BENEFIT OF DOUBT! PERO, AGAIN! HINDI MADAMING BAKLA ANG MAGKAGANON! HELLO ULIT!

KAYA NUNG NAKITA KO ANG DATI KONG FRIEND NA NAKIKIPAG TORRID KISSING SCENE SA ISANG SULOK NG CLUB. NADIRI AKO! KASI , ALAM KO KUNG ANO ANG GUSTO NIYA. GUSTO NIYANG MAACHIEVE ANG NANGYAYARI SA ISA KO PA DING FRIEND DATI NA MAY MATRONANG MAYAMAN NA JOWA.

NAKAKALOKA DI BA? MGA BAKLANG BAKLA PERO MAY JOWANG BABAE, AT MATANDA PA.

HINDI KO ALAM KUNG ANUNG KLASENG UTAK MAYROON ANG MGA BABAENG ITO. HINDI KO SILA HUHUSGAHAN. MAAARING MAY MASAMA SILANG KARANASAN SA MGA STRAIGHT NA LALAKE, KAYA SA MGA BAKLA SILA HUMAHANAP NG TUNAY NA PAG IBIG. PERO ALAM KO DIN KUNG PAANO NILA HAWAKAN ANG BUHAY NG MGA BAKLANG NASASANGKOT SA GANITONG KLASE NG RELASYON.

HINDI MA ENJOY NG BAKLA ANG SARILI NIYA. ALAM LAHAT NG BABAE ANG KILOS NG BAKLA. KUNG SINO ANG KASAMA NIYA, KUNG ANO ANG KULAY NG DAMIT NIYA. ALAM LAHAT NI MATRONA.

PALAGI SILANG NAGAAWAY, PERO NAGKAKABALIKAN DIN. HINDI KO SILA MASISISI, NAKAKATULONG SA PAMILYA NILA ANG BABAE.

KAYA NANG MAKITA KO ANG BAKLANG DATI KONG KA CLOSE NA NAKIKIPAGHALIKAN SA BABAE. NANDIRI AKO! LITERAL! TUMAAS ANG BALAHIBO KO. ALAM KO KASI KUNG ANO ANG GUSTO NI BADING. PERA, PERA AT PERA!
NAKAKALOUNGKOT ISIPIN NA ANG ISANG BADING NA KATULAD KO, NA MAY KAKAYAHANG MAGTRABAHO AT MAKAMIT ANG GUSTO NIYA AY HANDANG IPAMIGAY ANG KALAYAAN NIYA BILANG ISANG BAKLA, MAKUHA LANG SA MABILIS NA PARAAN ANG MGA GUSTO NIYA. kahit itago niya ang bakla sa katawan niya at ipakita ang lalakeng side niya, na nakikipaghalikan, nakikipagtalik sa babae.

HUWAG NILA AKONG LOKOHIN AT SABIHIN SA AKIN NA MAHAL NILA ANG MGA BABAENG ITO. TIGILAN NILA AKO! PLEASE! HUWAG AKO!

HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT GUSTO NG MGA BABAENG ITO ANG BAKLANG MGA KATULAD NG MGA DATI KONG NAGING FRIEND. AT KUNG ANO MAN IYON, OK!

KASI ALAM KO NA BAKLA TALAGA SIYA DAHIL NAKASAMA KO KAYA SIYA ILANG BESES SA MGA PANLALALAKE. KAYA ALAM KO. KATEXT KO PA NGA SIYA AT SINABI NIYA NA TYPE NYA ANG ISANG ALAKE NUNG GABING IYON.

PERO BAKIT NIYA SINABING MAHAL NIYA ANG GIRL NA KAHALIKAN NIYA? NILOLOKO NIYA BA AKO? O TALAGANG BALIW LANG ANG BAKLANG ITO?

Medyo mahihirapan kayo na ma convince ako na totoo ang mga sinasabi ninyo kung sa sarili ninyo ay hindi kayo totoo. Hindi ko pinanghihimasukan ang mga likes, wants at needs ng ibang tao. Well, opinion ko lang din ito. It might not matter to you guys. And IT'S OK WITH ME.




Sent from my BlackBerry® wireless handheld

3 komento:

babyhoney ayon kay ...

correct ka jan teh,di din ako naniniwala na mahal nya yung girl.. malamang na nakipagrelasyon lang siya sa girl na yun para sa kanyang mga pangangailangan.. walang love na involve dun.. kalowkah.. ang hirap nun kapag kasama nya yung girl at may nakita cyang gwapong fafa,kailangan nya magpigil sa kanyang pang gigigil.. hehehe..

LED ayon kay ...

korek, hindi ko alam kung bakit nate take ng ibang girl ung ganoong klaseng relasyon. I mean, kung love un, ok go! pero kung gusto mo lang siya, at hahawakan mo siya sa leeg, at dahil madatung ka lang...hay! ewan! salamat sa pag comment teh!

Kunkun ayon kay ...

ambitious, desperate, delusional!!! lol! well, pabayaan mo na lang sila mamu. ganun sila e. ganun sya. ganun silang lahat. weh?! chura! just be happy and continue to give laughter and excitement to your fans! gogo lang yan!