Zanjoe gustong maka-date si Bea sa Valentine's Day? Weh? Di nga?

Aminadong may konting ilangan naman sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa kanilang mga eksena sa inaabangang Valentine’s Day episode ng “Maalaala mo Kaya.”

Go to fullsize image

Go to fullsize image

Maraming kinilig sa pag-amin kamakailan ni Zanjoe na nanliligaw siya sa aktres.

“Nagkakapaan pa muna kami ngayon... nakakailang. Parang mas close na kasi kami ngayon so nakakailang umarte in front of him so dapat ma-overcome 'yung feeling na ‘yon,” giit ni Bea.

“Second time namin 'to magkakasama sa MMK...Nandoon po ‘yong naiilang ako kasi magaling na artista kasama ko,” lahad naman ni Zanjoe.

Wala naman ibang hangad si Zanjoe kundi makasama si Bea sa Valentine’s.

“Sana kami magkasama sa Valentine’s, sana wala siyang trabaho,” ani Zanjoe.

“Pareho kaming may trabaho, ewan ko na lang anong mangyayari ng post- or pre-Valentine’s,” sabi naman ni Bea.

Sa ngayon ine-enjoy nina Zanjoe at Bea ang panahong nagkakasama sila at nagpapasalamat na pati sa trabaho ay nagkakatambal sila.

source: Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino

Walang komento: