May

April... Walang masyadong ganap, hindi ako naka swimming man lang. Ewan ko ba? Lagi kaming hindi natutuloy ng mga friends ko, or kung meron naman, hindi naman ako sumasama. Nung March lang ang pinaka lamyerda ko, sa Baguio with my anak anakang si Julie with her family.

May, eto na ang very light busy busyhan, campaign, shows, rakets, ganoyn! Pero nito ko lang napansin na, havey pala... Havey pala akong chance kay Anik... Hahahahaha!!!

Hindi ko alam pero its been 2 or 3 years na kilala ko siya. Hindi ko naman siya bet na bet. I mean, wala sa isip ko, kasi sobrang bagets niya noon. Maybe sa ibang ombs kasi nakatutok ang paningin ko.(O baka naman walang wala na lang talaga?) Chos!

Dumating sa point na naiinis ako sa kanya. Maliit lang na bagay pero naaasar ako sa kanya. Pero deep inside, kinikilig ako! Hahahahah! Baliw di ba?

Ngayon, siguro kami. Pero I know meron syang iba. Enjoy ko na lang ang moment. Sabi nga ni Christina Aguilera at Florida" Feel This Moment".

Ganoyn!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Walang komento: