Love Pt.4 The End

Ilang months na din akong ganito. Everytime na hindi siya mag text or makipag usap sa akin, i get so so depressed... (so so talaga) ganoon kalala... Idadaan ko na alng sa mga status na kadramahan, pero deadma siya. Ni hindi nga siya mag like sa mga posts ko. Mas madalang na kami magkaharap ngayon. Mas madalas na siyang umiwas ngayon. Pero hindi ko ma gets bakit kapag may kailangan siya, magiliw naman siyang mag text at tumawag. Ay! Gets ko pala... Nagbubulag bulagan lang talaga ako... Ang tanga tanga ko talaga... May gusto ako marinig na hindi ko narinig. May gusto akong makita na hindi ko nakita... Hanggang dun lang ba talaga siya? Masama bang magtanong kapag may gusto akong malaman o hindi maintindihan? Makulit na ba agad ako? Isang beses pa niya akong niloko... This time, pwede ko ulit palampasin, pero I was hoping na mag sorry siya... Pero hindi... This time, matigas na din ako... Hindi na ako sumasagot sa mga text... Nagpapa girl pa din, gusto ko kasi marinig na humingi siya ng pasensya eh... Pero hindi talaga... Malinaw na ang lahat sa akin... Ginagamit niya lang ako... Nagpapagamit naman ako, kasi mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya... Sabi nga ni Basha "NOT EVERYTHING IS ABOUT YOU POPOY" Tiniis ko ang lahat, pero ako pa din ang bumaba, ako pa din ang naunang kumausap sa kanya... Sa una, umasa ako, kasi ok naman siyang kausap, akala ko ok na kami, May inungkat siyang kuwento... Nagpanting ang tenga ko kasi iba ang dating sa akin, at iba din ang dating sa kanya. hindi ko na maipag tanggol ang sarili ko... Tinanong ko siya kung gusto pa ba niya ako... Sagot niya "ewan ko , basta, hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo" This time hindi na ako pumayag na walang malinaw na sagot, sabi ko sabihin nya ang salitang "AYOKO NA"... Para matahimik na ako... Nahihirapan siyang sabihin, pero sinabi na din niya "AYOKO NA" Ang sakit... Ang dahilan niya, dahil pinapahiya ko daw siya kahit daw sino ang kasama niya, pinapahiya ko daw siya kahit daw yung mga walang alam... Pinaikot ikot pa niya ako... Hindi ko siya pinapahiya... Ikinahihiya niya ako... Nahihiya siya kapag nalaman ng friend niya na kami pala... Never ko naman pinagsigawan sa mga Friends niya na kami... Gusto ko din naman na magkaroon ng privacy... Pero siya ang gumawa ng paraan para malaman din nila... Hindi ako... This time, sure ako, na wala akong ginawang masama sa kanya... Bumigay na din ako... Di ko na kaya eh, masyado na akong naabuso, nagamit, binastos at pinagsinungalingan. I DON'T DESERVE THIS... Nalaman ko naman lahat ng mga kasinungalingan niya,,, na hanggang ngayon itinatanggi niya. Kailangan kong magalit sa kanya para maka move on na din ako... Mahal ko pa din siya kahit galit ako sa kanya... Mahal ko pa din siya,,, hanggang ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko siya... Pero tama na, pagod na ako eh, tao lang ako... hindi ako SUPERHERO... Sa kanya siguro pwede akong maging super hero... Super Hero na walang kwenta... Never naman siyang nagpasalamat sa akin. Never naman siya nagtanong kung OK lang ako. Never naman siya nag sorry kapag nasaktan niya ako. Everything is all about him... Paano naman ako? Masakit... Wala man lang concern, un na nga lang ang hiling ko eh... PAGOD NA PAGOD NA AKO... Tama na... Pero mahal pa rin kita... Lalayo muna ako... Hanggang sa makalimutan na kita...

Walang komento: