The Singing Bee

Super daming tweet sa akin ng mga supporters and friends ko about Singing Bee. Di ko po masasagot yan, hindi po ako ang magde decide about that. Its been 3 years nang matapos ang 5th season ng The Singing Bee and i am very thankful for being a part of that show. Everytime may nakakakilala sa akin sa Dubai and even here in Singapore, "ay si Singing Bee" ang tawag nila sa akin. I have been the unofficial mascot of the show. Actually, when the show ended, I thought it was the end for me din. But NO, naging way pala siya para maka punta ako sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa. I had the chance to work with showbiz big names such as Vic Sotto, Eugene Domingo, Rosanna Roces, Cesar Montano at madami pang iba. Nakapag guest ako sa mga shows na dati ay pinapanood ko lang. Nakilala ko ang mga taong dating tinitingala ko lang. Nakakaloka kaya, ang bilis ng mga pangyayari. Wala kayong idea kung gaano kahigpit ang laban makapasok lang sa show na yun. Umabot pa nga ito sa siraan, ung ibang singers na natanggal sa show ay gumawa ng issue about me and some of my co Songbees. Masakit kasi you started as friends then become enemies. Grabe. Siguro talagang ganoon nila kagusto magkaroon n daily exposure. Kasi maganda talaga ang show, plus nagpa flash ung name mo sa screen every night, everytime na kakanta ka. Nakilala ako sa buong mundo. Sobrang pasalamat ko sa mga opportunities na dumating sa akin, if not for The Singing Bee siguro nagi gig padin ako kung saan saang bar at umuuwi ng putok na ang araw. And now the show is coming back. I am happy. I don't know kung ano mapi feel ko kapag pinapanood ko itng show na ito na wala ako. Kung may iba man na ilalagay, i will be very happy for them. Mararanasan nila ang naranasan ko. Na sobrang gandang experience. Nakasama ko ang magagaling na singers like Frenchie Dy, Apple Chiu, MC Castro, Michael Cruz and OJ Mariano. At naging friends ko sila. Pamilya , pati lahat ng staff ng show na un mula sa Host,Director at sa pinakamaliit na staff. Kung para ako sa show na un, LET IT BE, thy will be done... Kung hindi na, susuportahan ko pa dina ng show na un...   To bee continued...

Walang komento: