Suddenly Monday

Sunday, nagpunta ako ng greenhills, kasama ko ang friend ko, nag merienda kami sa Krispy kreme, nakakaloka, first time ko mabigyan ng libreng Doughnuts, pagkatapos naming kumain, oorder sana ako ng pasalubong para sa bahay. Biglang lumapit sa akin ang isang staff at inabutan ako ng isang box ng doughnuts," Sir Led, thanks for visiting Krispy Kreme, here our small gift for you!" Naloka ako! Salamat po!
Dapat sana magsi swimming kami ng mga friends ko, kaya lang hindi natuloy kaya naginuman na lang kami sa Paseo De Sta Rosa. Tama, uminom ng bonggang bongga kait ang iba sa amin ay ngarag na ngarag pa sa byahe.

Monday, nagpunta ako ng Mandaluyong para mag encash ng cheque na pinagtrabahuhan ko last week. Naloka naman ako, dahil sa bangko na ito talaga ako lagi nagkaka problema, dami requirements, dami che che bureche. Kailangan ko daw ng ID picture. ok!

Napadpad ako sa isang Internet Shop na may rush ID/Passport din, kaya hangos ako, nagmadali ako, wala nang naganap na retouch. "Kuya, pa pic ako, 2x2, rush!"

Ang tagal ni Kuya na Photographer as in, nakakaloka, hindi ako pwedeng magreklamo at magtatalak dahil hindi naman ako masamang tao. Hanggang may isang mama na nagpa photocopy ang nagtanong sa akin "di ba ikaw iyong singer?". Para hindi na humaba pa, hindi pa man natatapos ang tanong nya, sumagot na ako ng "OPO!". Nagtanong naman ang Photographer "Singer ng ano?". Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil alam ko namang alam niya kung saan, nang eechos lang siya. Kaya deadma ako, ang gusto ko lang ay tapusin na niya ang picture ko.
Ina-ADOBE Photoshop pa nya ang picture ko. I was so embarrassed sa picture na nakita ko, ang dumi ng mukha ko, sunburned skin, pimple scars at maiitim na leeg. Ito ang kapalit ng ilang buwan, ilang box, ilang injections, ilang lotions, pills, at sabon ng Gluta na ginamit ko dahil lang sa isang araw na importante sa bawat Pilipino, ang Election Day. Nasunog ako ng husto, nagka sunburn marks ang braso ko, nasunog ang mukha ko, grabe, hindi kutis artista.Ito ang kapalit ng ilang oras kong pagpila pra lang makaboto. Nakakahiya.
At mas lalong nakakahiya, kasi lahat ng pumapasok sa shop na iyon, picture ko ang nakikita na ineedit ni Kuya Photographer. Walang privacy, hindi nkatago sa ibang customer ang ginagawa niya. kitang kita, naka zoom pa ang picture ko, kaya nagpipiyesta ang Echuserang Ale at Pahinadorang Bakla, na hindi tumitinag sa pagtitig sa akin at sa picture ko. hindi ako makatalak, dahil hindi tama iyon, pero alam ko na hindi din tama ang ginagawa nila. pero wala akong magagawa, dahil doon ako nagpunta.
"Kuya , tama na yan, paki print na yan at nagmmadali ako!" Mga dalawang beses ko inulit iyon bago siya tumayo sa kinauupuan niya at ibigay sa akin ang pictures ko.

Pagbalik ko a bangko, maami pang tanong ulit, mas madami pa sa mga form na sinagutan ko.
Dami nilang tanong. Ayokong sagutin ang iba. Pero sumagot na din ako para siguro aliwin ang sarili ko sa kabagutan. Ending, yehey, may account na ako sa bangkong ito.
Ang dami ko nang bank account, hindi naman ako yumayaman...hahaha! Konting ipon pa, at yayaman din ako!

After sa Mandaluyong, nakipagkita ako sa friends ko, kain, massage. Enjoy!
Pagbalik ko ng Laguna. Diretso ako sa meeting para sa raket. Naisip ko, mabait talaga sa akin ang DIYOS, kasi walang tigil ang blessings na dumadating sa akin. kaya dapat talaga na magpakabait na ako.

2 komento:

Lapzuan Nah ayon kay ...

add mo din ate ang blog ko,i mean follow mo din. www.LeFlorrentti.blogspot.com
ingat and always remember, life is beautiful!

tinybabols ayon kay ...

tama... ndi mo na kailangan magpakabait kasi dati ka ng anak ng DIYOS mama