Ipinapakita ang mga post na may etiketa na BLOGS. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na BLOGS. Ipakita ang lahat ng mga post

4.08.2017

PNR



Last Tuesday na experience ko na sumakay ng tren ng PNR. After 35 years on Earth. Hehehe... Sa true lang, pangarap ko sumakay ng tren. Sayang nga kasi wala pang byahe hanggang Bicol kasi ayun talaga ang ultimate dream ko. Ang makasakay ng tren at magbyahe ng ganun kalayo. Iba ang tren sa nakikita ko sa tv, sa mga Hollywood movies. Yung mga may sariling room. Ibang klase siguro yun.
In fairness, malaki pala ung tren. Parang MRT/LRT din ang luwag niya. Aircon din naman. Kaya lang, nakakaloka kasi kapag nasa bandang Alabang na, sobrang puno na. Hindi ko  tuloy na enjoy ang view.

5:21am pumunta na ako sa Biñan station, sa San Vicente. 30 pesos lang pala hanggang Tutuban Station. Murang mura. Kumpara sa bus at mag fx ka pa or taxi papuntang Divisoria.
Pagkapasok ko sa tren, hindi pa siya puno pero wala na akong maupuan. Lamang ang mga kababaihan na nakaupo. Pero maya maya sa Golden City madami na ding sumakay. Unti unti nagliliwanag na, Hanggang makarating sa Alabang station, MISMONG MISMO sa dami ng sumakay. As in puno na! Box office hit! Standing Room Only. Nawawala na ang lamig ng aircon.
At hindi ko na ma enjoy ang view. Siyempre, tutok din ako sa bag ko, kasi hindi mo masasabi. Madaming mandurukot. Mga past 6am nakarating na ng Tutuban station.

Ganoon pala ang itsura ng PNR Tutuban. Maaliwalas naman, kasi maaga pa. Hindi pa mainit.
Hindi aircon, Nakakaloka, probinsya ang peg. Tawid lang pala nito ang Tutuban Mall. Ngayon lang din ako nakarating dun.
 Ilang lakad lang pala nun ang 168 Mall. Pero sumakay ako ng tricycle inikot pa ako, hindi pa sinabe na pagtawid ko 168mall na. Hay! Manong naman!!!

Pauwi naman, nakasakay ako ng 5:47pm. Grabe puno na, nadaanan namin ang ilog, nakaka aliw, Nakalimutan ko kung Sta Mesa station ba un may tulay sa ilog.

Hindi ako nakaupo hanggang sa Buendia. Sorry sa mga hindi nakaupo pero masakit na talaga ang mga paa ko. Pasensiya na po.

Pagbaba namin ng Alabang, sarap kasi may mga street foods, fishballs, buko juice, kwek kwek... hayyy!!! This is life!!!

Kahit ganun, sasakay ako ulit sa PNR...

Ang saya saya kaya!!!



Sent from OPPO Mail

3.17.2017

Tawag Ng Tanghalan

One of my good friends Andrey Magada made it to Tawag Ng Tanghalan Grand Finals as a wildcard entry. Hindi siya pinalad makapasok sa talagang Grand Finals. Mataas siya sa Hurados Scores and 2nd siya sa Text Votes, but I think he really did well.

This was his best performance in his entire TNT appearances.

Superstar :Andrey Magada


Madami talagang nainis at naimbyerna kung bakit daw araw araw may pa text votes at tanggalan. Madaming nasayang na contestants dahil mas nakapasok ang sa tingin nila ay less deserving para sa final spot. Personally, nanghinayang ako kasi hindi nakapasok sa Huling Tapatan ang manok ko na si Eumie Cabile.
Eumee Capile: Vision Of Love

I was so impressed with this lady. Grabe ang kanyang range. Ano pa bang genre ang hindi niya kayang gawin? She is ready for Stardom. 
Maganda ang training niya dahil nagbabanda pala siya at nakapag perform na din abroad. No wonder mero  siyang wide range when it comes to genres. At hindi din matatawaran ang kanyang showmanship. Marunong siyang gumalaw sa stage. 

What went wrong?

Song choice.

The song is a Mariah Carey Classic. A videoke favorite to some. But for me, I don't think it is a good contest piece.
The difficulty level of the song is like "HARD". But we've already seen it from her.  Maning mani sa kanya ang kanta. Kayang kaya niya. She must've levelled up. It was not a bad performance pero a forgettable one. Hindi tumatak sa akin. Mas tumatak pa ang kanyang past performances. Sa tingin ko isa itong factor kung bakit pumangalawa lang siya sa mga nag tie na sila Pauline at Mariel. But still, not bad. I believe may magandang opportunity na ibibigay sa kanya ang music industry. And I will support her. Sana ay mabigyan siya ng magandang material.

Sa top 3 naman.
Froilan Canlas
Madaming nakapansin na nagkamali mali siya sa lyrics and thinks that the medley performance is better. Sa totoo lang nakaka lungkot dahil most of the time hindi pinapansin ng tao ang musicality ng isang performer. Mas gusto nila ang mga  kanta at mga performers na madali nilang masasabayan.
Sam Mangubat
I think that his Bruno Mars medley lacked Mass Appeal. Though maayos niya namang nakanta.Ma maganda kung nag Sarah G. Medley siya. Sana naisip nila na maganda ang feedback ng Kilometro song niya. Sana tinuloy niya na for some of Sarah G.'s masa but edgy songs. (Ikaw, Ikot Ikot, Forever's Not Enough).
Pero ok na din at hindi pa man siya nananalo ay nag offer na si Yeng Constantino na gawan ito ng kanta which I think is a  potential hitsong.,ok naman kahit sino sa kanilang tatlo ok na maging winner.

Noven Belleza: Air Supply Medley

May nanalo na!
Siya naging bet ko sa Top3. Alam kong siya ang mananalo kung pagbabasehan ang hiyawan sa loob pa lang ng Newport Theater ng Resorts World Manila.
Nakuha niya ang gusto ng masa.
Maganda ang Air Supply medley. Napukaw niya ang gusto ng mga tao.
Perfect!

3.06.2017

Kris Aquino

Malapit na daw ang pagbabalik ng Queen Of Multimedia na si Ms. Kris Aquino. Pero palaisipan pa din kung saang channel. Ang clue niya "Where I truly belong", kaya madami ang humuhula na Channel 7 kasi naging tagline ng GMA7 ang "Where You Belong".
Saan nga kaya? Sa chrue lang nakakamiss na siya sa TV.
I grew up watching her tv shows and movies. Nagstart siya sa 80's sa tv pero 90's talaga nagsimulang maging Superstar. As in her comedy films at mga Massacre Movies niya pinilahan sa takilya.

One of the most unforgettable tv moment ang pagkaka hulog  niya sa stage while singing sa GMA Supershow.
At talagang nagmarka siya as Top TV Host during the 2000's.

Madami siyang eksena sa buhay. For some maarte daw siya at taklesa.
Pero hindi mo pwedeng isnabin ang Ms.Kris Aquino.

For me ang talent niya ay ang kanyang karisma. Na super lakas ng hatak sa tao. Madami man siyang eksena na nakaka inis, madami naman siyang commercials at endorsements. Bawat sabohin niya nagiging kontrobersyal.

2.21.2017

Skin Bleaching In Jamaica, where 90% of the people have Dark Complexion




Pati pala sa Jamaica ay uso din ang skin bleaching. I have nothing against it. Because I also tried to have a lighter complexion. May sarili din akong reason just like others. Pero kanya kanyang trip yan sa buhay. You have to take full responsibility sa gagawin mo sa buhay mo at lalo na sa skin mo. Hindi ito napapalitan. So be safe.

3.29.2015

What Is Palm Sunday?


What Is Palm Sunday?

What Do Christians Celebrate on Palm Sunday?

On Palm Sunday Christians celebrate thetriumphal entry of Jesus Christ into Jerusalem, the week before his death andresurrection . For many Christian churches,Palm Sunday , often referred to as "Passion Sunday," marks the beginning of Holy Week , which concludes on Easter Sunday. 

The Bible reveals that when Jesus entered Jerusalem, the crowds greeted him by waving palm branches and covering his path with palm branches. Immediately following this great time of celebration in the ministry of Jesus, he begins his journey to the cross.

 

The biblical account of Palm Sunday can be found in Matthew 21:1-11; Mark 11:1-11; Luke 19:28-44; and John 12:12-19.

 


‎Source: What Is Palm Sunday and What Do Christians Celebrate?
http://christianity.about.com/od/holidaytips/qt/whatispalmsunda.htm




Sent from my BlackBerry 10 smartphone.

3.21.2015

ABSCBN TV Plus

In fairness, bongga itong pausong ito ng ABSCBN. No monthly fees kaya super tipid. Unlike ang mga nakasanayan nating cable providers na pamahal ng pamahal pero minsan ang chaka ng reception. At wala tayong magawa, kung kelan maganda na ang palabas bigla magiging malabo. Hehehe!!! Pero for some pwedeng medyo mabigat ang 2,500 PhP. Isipin mo n din kung gaano ka na katagal nagbabayad sa cable. Di ba? Ako since college
naka cable n kami, dati 400/month pa lang. Oh di ba? Malaki laki na din ang gastos. So sana naman maganda ang service nitong Mahiwagang BlackBox na ito. Para hindi naman sayang ang ₱2500 ko. In fairness madami dami na ding channels ang nappnood ko dito. And sana madagdagan pa sila. 

Sent from my BlackBerry 10 smartphone.

3.05.2015

Boracay February 2015...




Biglaang Boracay with my friends Anton Arciaga, Rico Parao, Alexis Arciaga, Redz Gotengco and Dennis Carrasco. Nag RORO (2Go) lang kami. Ang saya saya.