TV

Hi guys, sobrang inaantok ako kanina after ko kumain ng super sarap na dinner. Tuyo! Hahaha! Sarap talaga! I requested it kay Mommy talaga. Naglalaway na talaga ako. After ko mag dinner, umakyat na ako ng room to have a nap. Pero napatutok ako sa TV. Sa TV5, 5Star Special Presents Ruffa...

I remember when I was young. Palong palo pa ang IBC 13 at RPN 9 noon. Magaganda ang mga palabas. May Regal Shocker at Pinoy Thriller pa. 13,14,15 ni Carmina, Aiko at Ruffa. Madami pang cartoons noon. Smurf, Rainbow Brite at kung anu anu pa. Naalala ko pa si Alma Moreno na laging naka Tanga(pronounced as tang-ga,) habang production number niya sa LoveliNess... Ora Engkantada ang lagi kong inaabangan pag Sunday.
Young Love Sweet Love ni Manilyn, at Dear Teacher. Kasabay akong lumaki nila Aiza Seguerra sa Eh Kasi Bata. Naging crush ko si Richard Gomez sa Palibhasa Lalake. Maricel Drama Special, Lovingly Yours Helen at Coney Reyes On Camera ang kasama kong lumuha.

Kamusta naman ang That's Entertainment na nagpapasikat every Saturday ang bawat group. Wala pang Showtime noon. Ang Takeshi Castle ni Anjo at Smokey.

Inaabangan ko ang mga chismis sa See True na naging Eye to Eye. Hinihintay ko kung sino ang mga artistang magge guest sa GMA Supershow. Kwarta o Kahon lang ang Gameshow noon. Ang daming sumikat na singer sa Bagong Kampeon.

Hay, naalala ko noon. Wala kang choice kapag sign off na ang tv station, wala ka nang mapapanood. Unlike now na may Cable channels na. Memories...
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Walang komento: