KUNG AKO NA LANG SANA

BONGGA ANG SONG NA ITO NI BITUIN ESCALANTE. EWAN KO BA KUNG BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PLAYLIST KO PA DIN ITO. PARTE NG PUSO KO ITO. KASI NANGYARI NA SA AKIN ITO, HINDI LANG ISANG BESES KUNDI MADAMING MADAMI NA! ILANG BESES MO NA BA NASABI ITO? O KUNG HINDI MAN, ILANG BESES MO NA BA SANA SINABI ITO SA TAONG GUSTO MO?
JUST RECENTLY, I BECAME A CERTIFIED FACEBOOK STALKER. LAGI KO TINITIGNAN ANG PROFILE NIYA. HINDI AKO NAGKO COMMENT SA MGA STATUS NIYA, PERO INTERESADO AKO. GUSTO KONG MAGTANONG KUNG ANO AT SINO ANG IBIG SABIHIN NG STATUS NIYA. PERO HINDI KO MAGAWA.
MABAIT NAMAN SIYA. MASARAP SIYANG KAUSAP. LAGI KO SIYANG INAABANGAN SA FB CHAT. KINAKAUSAP NIYA AKO. KINIKILIG NAMAN AKO SA KANYA. PERO HINDI KO NAMAN PWEDENG SABIHIN. KAIPOKRITAHAN NA KUNG KAIPOKRITAHAN, PERO OO! SORRY NA LANG AKO!
BUKOD SA MASARAP SIYA AY MASARAP DIN SIYANG KAUSAP. MATALINONG TAO, POLITE, MAPAGBIRO AT MABAIT NAMAN. KAYA UNTI UNTING NAHULOG ANG LOOB KO SA KANYA. HANGGANG SA MAGDOWNLOAD AKO NG BEEJIVE SA PHONE KO (ANG BEE JIVE AY ISANG APPLICATION SA BLACKBERRY PHONE KUNG SAAN PWEDE KANG MAKIPAG CHAT SA FACEBOOK) NAIINIS AKO TUWING MAY ALERT SA PHONE KO AT HINDI PALA SIYA ANG NAKIKIPAG CHAT. PERO HALOS LUMUNDAG AKO SA TUWA KAPAG NABASA KO ANG PANGALAN NIYA. MINSAN KAHIT WALA NANG KWENTA ANG USAPAN, PILIT KONG PINAPAHABA, HUWAG LANG SIYANG TUMIGIL SA PAGSAGOT.
NASAKTAN AKO! PARANG ISANG HABIT KO NA MAHIRAP TANGGALIN. PARANG ISANG SHOW SA TV NA MAWAWALA NA MAMIMISS KONG PANOORIN. PARANG ISANG PITSEL NG TUBIG SA FRIDGE NA WALANG LAMAN.
PARANG ISANG PANDESAL NA NAUBUSAN NG PALAMAN. ISA SIYA SA MGA DAHILAN NG PAGKAKAPUYAT KO. DAHILAN NG PAGKAMANHID NG PUWET KO SA PAGKAKAUPO SA PAGTUTOK SA LAPTOP NA ITO. HANGGANG SA KUNG SINO-SINO NA ANG MAKA CHAT KO... KASI HINDI NAMAN TALAGA AKO USUALLY NAG E FB CHAT EH...
SIGURADO AKO, MAY SARILI SIYANG DAHILAN.
HANAP LAGI SIYA NG PUSO KONG NABULAG AT MAY HINAGPIS. HAHAHA! BALIW NA KUNG BALIW! WALA AKONG PAKIALAM! PERO DITO NA LANG SIYA SA PUSO KO.
PROMISE, KAPAG NA MMK ANG BUHAY KO, IPALALAGAY KO ANG TAGPONG ITO.
KAHIT PARANG HINDI TOTOONG NANGYARI. PERO PIPILITIN KONG MAGING MAKATOTOHANAN.
HINDI KO ALAM KUNG BAKIT GANOON AKO NAAPEKTUHAN. PERO TALAGA! PROMISE! ANG SAKIT SAKIT. NAIYAK TALAGA AKO! HAHAHA! TOTOO!
Heto pa rin ako Umaasang ang puso mo Baka sakali pang ito'y magbago Narito lang ako Kasama mo buong buhay mo Ang kulang na lang Mahalin mo rin akong lubusan ...
KAYA ISA NA NAMAN SIYA SA TAONG GUSTO KONG KANTAHAN NG PAGKALAKAS LAKAS NA "KUNG AKO NA LANG SANA ANG 'YONG MINAHAL DI KA NA MULING MAG-IISA"...
PERO HINDI PUWEDE. AYOKO SIYANG MAWALA. MAS MABUTI NA SIGURO NA MAGKAIBIGAN KAMI. AT LEAST POSIBLE PA NA KAUSAPIN NIYA AKO. KESA TULUYAN NIYA AKONG IWASAN.
NAGMAMAHAL... KEME KEME...

Walang komento: