BITTER AKO!

3 months ago, isa akong Party Gay sa loob ng 3 years(ang gulo)! As in, walang lumipas na gabi especially wednesdays, fridays and saturdays na hindi nasasayaran ng lipgloss ang pouty kong lips. Pero nabago lahat ito 3 months ago. Bakit? May nakilala kasi akong boylet.


Sa isang bday party ng friend ko, madaming boylet. Mga lalakeng beauty queen. Hindi bading ha! Pero sila ang mga lalakeng sumasali sa mga searches, like Mr. Chuchu Chenelin, Model of the Eklavu! Mga ganun! (Gets nyo na?)


Madaming ganun nung gabing iyon. Hindi ko na maalala kung tutok ako sa guy na ito, pero naalala ko lang sinabi ko sa friend ko "teh sight mo si kuya oh, medyo dirty pero hot!". Meaning, hindi siya ang nakapukaw ng pansin ko. Meron pang iba. Pero napansin ko siya ng very light! Pero hindi siya ang outstanding para sa akin nung gabing iyon. Kasi ang mga bet ko, matured, medyo buffy ang katawan. Hindi ko alam kung sino siya, hindi ko alam ang pangalan niya. Pero ang lola niyo, pag may bet na lalake, magtatanong ako kung ano ang pangalan niya. Pero siya hindi ko inalam. Ibig sabihin, hindi ko siya type.




Bilang matagal na kaming hindi nagakasama ng friend ko na Bday celebrant ng gabing iyon. Hindi ako nagmaganda. Hindi ako umeksena pero hindi din ako nagpaka K.J. Pinakanta ako ng mga bakla. Hindi ko na angawang tumanggi! Kanta ng ALONE ang lola niyo. Hindi naman masyadong bongga pero chika na! Di na masama! After nung, BAD ROMANCE naman, kahit di ko alam ang lyrics deadma! Pinasayaw ko na lang sila! Ok naman!




After ng kanta, inuman na! Table namin katabi ng mga male beauty queens, so bilang mga polite at malalandi ding bakla, niyaya namin sila at tinagayan. ayun lang. Bilang hindi naman mapagmagandang bakla, hindi ako umeksena at umaura, dahil wala naman akong balak aurahan. Ang babata kaya nila. I don't go for younger guys kasi talaga.


Kinabukasan, eto na. Somebody added me in FB. i don't know him. I've got no idea kung sino siya. he commented on my photo. It was basically offending, pero deadma ako. You know for someone who is seen in TV , hindi ka naman pwedeng magtaray everytime sa FB. So I was polite enough to answer back. So tinignan ko ang profile niya. Ang gwapo kasi ng nasa profile picture eh. nag comment ako. AH! Siya pala ito! Nag tag kasi siya ng pictures niya from my profile nung party yesterday. So. Ok!


i don't remember na kung kailan nag start ang constant chat. Nagsimula sa chat, hanggang nag exchange numbers na. Pero my plan wasn't that for us. I mean, hindi ako madaling mahulog sa mga patibong.  And he is too young for me. He is too good looking for me. I'm not the "ILUSYONADA" type of gay. Who will tell the whole world na ":hey someone is intersted on me, kasi lagi kaming nagkaka chat and nagte text". He even asked to watch him sa isang fashion show. Well, I was about to watch pero bigla naman akong nagka raket that time. hindi ko alam na kinikilig na pala ako sa kanya.


Pero, relax pa din ang byuti ko. Deadma pa din. Nagtataka ako na isang bagets, super text at chat sa lola nyo. DEADMA!




Nagsimula ang paglabas namin one time, he asked my friend to call me at ipasundo ako para mag inuman sa house nila. OK, kahit may ginagawa ako, sumama ako. friendly inuman. Wala akong paki! Wala akong balak umaura!


Nasundan ito ng pagte textan pa ulit. Labas, inuman. Hanggang naging habit ko na ang hanapin siya. Siguro natuwa ako talaga sa kanya, kasi mabait naman ang gagong 'yon. In fairness to him. He's magalang, polite, educated, and not to mention Gwapo!


I don't really chat sa FB, once I go online sa FB Chat, siguradong magha hang kasi ang daming nakikipag chat sa akin, pero go pa din ako. Naadik ako makipag chat sa kanya eh. Sarap niya kayang kausap. At dahil kasi, like ko na siya. So i get really disappointed kapag hindi ko siya nakakausap, or kapag online siya pero hindi niya ako pinapansin.  I started being a FaceBook Stalker. I always look on his profile to know how he was. And it started to affect me, kapag meron siyang kausap na iba.


Pero still, ayoko namang idegrade ang sarili ko by being jealous, kasi hindi ko naman siya boyfriend. HELLO!


So ayon na nga, labas ulit, inuman. Alam niya kung paano magpakilig ng isang bakla! mahusay ang pag ganap niya mga ate!


And it stopped na lang by August. He started acting weird. He tells me something i don't really understand. Nagkekwento siya ng mga bagay na hindi ko ma take at hindi ko nagugustuhan. Pero still, bilang isang friend, hindi ko pinararamdam na malamig ako sa kanya. Pero siya ramdam na ramdam ko ang coldness. The coolness of us suddenly became coldness.


He still texts me once i a while. Ako naman sometimes call him and text him but he doesn't answer. I figured out that there is something wrong. He is busy doing his stuff. Maybe work, maybe lovelife or maybe iba pa. But still, hindi ko pinakialaman ito, kasi nakakahiya makialam.


One night, he texted me...Sobrang weird. Nagpapasundo siya somewhere. I don't know what to answer kung go ako or not. Basta ang weird. Bilang under the Monkey Sign. Madali ako nakaka takas sa mga ganoong sitwasyon. Dahil hindi ko alam kung ano ang meron, hindi mo ako agad mapapa oo. Cool lang ako. Biglang nagtext"LED BAKA MAY GAGAWIN KA". at sabi niya may susundo na sa kanya. OK! FINE WITH ME!


After that, hindi na siya nagpaparamdam. nagtext na lang siya, asking me to buy tickets for this event kung saan siya kasali. And I didn't answered back.


Saw him sa Cosmo Bachelor Bash. I'm with Tiny, nelson, john and Rodwen. When he started to ramp, I did not even looked at his face. I just heard Rodwen calling his name, but he didn't looked back or even smiled man lang. Well, siguro kinakabahan siya nakita mga friends niya watching. After the show, I was at the lobby with Nelson, having pictures taken by people i know, and some people who knows me. I saw him going outside the room, pero I turned around because I don't wanna see him. I don;t know what to say kapag lumapit siya. Kaya umiiwas na din ako. Ayokong magmukhang fan niya at baka isipin kasi niya na nanood ako ng BASH because of him, kasi hindi naman talaga.


After theshow, may sarili kaming after party ng mga bakla, naginuman kami sa Blue Wave Macapagal, ng bigla siyang nagtext. Inum daw kami. HELLO! Hindi mo nga kami pinansin, tapos eto ka nagyayakag mag inom? WEIRD! I still did'nt answered his text, instead, asked one of my friends to text him back. Hindi daw niay alam ang BlueWave kaya uuwi na lang siya.


OK!


After the inuman, go na kami sa hotel. And basta bigla na lang kaming nagkuwentuhan ng isa kong friend. I realized he is not worth my time. I mean, I can be his friend, pero other than that, wala na. Wala akong dapat ilusyonin about him. Pero natuwa ako kasi tama ang naramdaman ko. VINDICATED ako! Hindi ako ang nagumpisang umaura! Hindi ako ang nagbigay ng motibo para landiin ng isang guy. Natuwa ako dun! Promise!


Dumating na sa point na isa kong friend ang china chat niya at hindi na ako, weird talaga. i was hoping na somehow makakapag usap pa kami kahit sa FB CHAT, pero I'm waiting, hindi niya ako kinakausap. He is talking to my friend. And ganoon din siya dati sa akin. 


Siguro may halong selos din, pero hindi din (ang gulo ko sorry).


I just wanna know kung bakit nga ba biglang nawala ang friendship? Well, hindi pa naman ganun kalalim ang napagsamahan namin, pero gusto ko sana maging bestfriend ko siya na guy. Kasi we have something in common. Minsan anti social din ako, I only talk to people I know. May mga trip siya na keri kong sakyan. May mga gusto siya na gusto ko din. Masarap siyang kausap. Pero ganoon lang.


Pero may isa pang bagay na hindi ko na talaga ma take. Hindi ko na lang babanggitin kung anuman ito. And I guess... This will be the end of the saga... Ang katapusan ng hindi pa man...
I just wish him happiness, success in life and career. And of course sa lovelife niya. I know may mga pinagdadaanan siya ngayon sa buhay niya. I will just pray for him.
Maraming salamat sa maikling panahon na pinakilig mo ako at marunong pa pala akong ma inlove! Bilang sobrang JADED na sa LOVE sa napakahabang panahon. Thanks for making me smile everytime I read your texts and everytime I'm talking to you personally or on the phone.


And I guess its time for me din to move on... 
I also deserve to be happy...Ayoko na nang nararamdaman ko these past few days na may hinahanap ako na hindi naman sa akin.  Ayokong maging selfish. 
Everybody deserves to be happy...
OH WELL! 
GOODLUCK...


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

4 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

pang Precious Romance to marsi..hahahhaa...kilala ko to....ganun pala yun.

babyhoney ayon kay ...

di ko maintindihan yung guy teh,bakit ganun cya.. ano ba yun nahihiya ba cya na makipagkaibigan sa isang gay tulad mo,o player lang talaga cya.. nakow naman gays kaya ang isa sa mga masarap maging kaibigan.. sayang ang friendship.. sinayang nya.. well di ikaw ang nawalan kundi cya..

Alex ayon kay ...

Aaaww...sad. Gulo nya ah. Pero truefax! You SO deserve to be happy!!! =)

Led ayon kay ...

super thanks sa mga comments niyo... Moving on ako, though minsan talaga naiisip ko pa din siya, kasi nga, nanghinayang ako...pero i have to move on! Goodluck na lang sa amin...:)