Love pt.3

Ano na nga ba ang nangyayari? Lalo akong nahuhulog. Lalo naman siyang nagiiba. Lumalayo. Pero sabi nya, inilalayo ang sarili ko sa kanya? Sa paanong paraan?

Naguguluhan ako... May problema ba about sa age gap? Ewan!!!

Iba siya talaga. Pwede niya akong pakiligin sa isang tingin nya, pero pwede din nya akong paiyakin sa isang deadma niya. Nakakaloka talaga siya. Pero matigas din ang ulo ko. Tuloy pa din naman ako. Ewan ko ba? Anu ba ang nagustuhan ko sa kanya? Sabi nga ng anak anakan kong si Carol, na challenge ako. Huh? Paano naman? Di ko maisip ang dahilan eh.

Basta , bawat away, may pagbabati. Walang nagso sorry. Ako lang yata. Siya? Oo din yata? Kaya tuloy pa din. Masaya, biglang magulo na ulit. Nagiging habit ko na ang ma depress, magalit, umiyak at kung anu ano pa. Hindi ko naman maiwanan. Ewan ko ba?


To be continued...
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Walang komento: