6.02.2010

Naaalala Mo Pa Ba?

2003- kainitan ng comedy bars sa Calamba. May JokeBox at meron ding Quien's Bar. Pareho akong
nagtrabaho sa mga bars na ito.(Kaya imposible ang chismis na itinatanggi ko na nag set ako dati
sa isa dito sa mga bar na ito, ang asim ha!)

Nung mga panahong ito, kuntento at masaya na ako sa career ko. Akala ko noon ay wala nang
katapusan ang ganitong buhay.Gabi-gabing kakanta, magbibihis, naka make up. Unti unti ding
humina ang mga bars na ito na eventually nagsara. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin noon.


Nagkaroon pa naman ako ng jowa noon. Masaya ako kapag magkasama kami. Para akong tanga.
Pagtatawanan nyo ako for sure kung kilala nyo na ako noong time na iyon. Ang saya ko noon.


Hindi ko alam kung bakit gusto ko siya. Hindi naman siya ang pinaka sa lahat, bagkus napakadami
nga niyang kapintasan. Pero kung para sa akin lang naman na hindi din naman kagandahan,
marahil ay pwede na siya sa akin.


Sa madaling salita, nagkahiwalay din kami ng landas. Hindi man lang umabot ng isang taon ang
relasyon namin, halos 11 months lang. Ni hindi kami nagkaroon ng mga intimate moments. Dahil
nga siguro tanga ako.


Matagal bago naghilom ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Totoo pala na kapag umibig ka ng
totoo at nasaktan, talaga namang mahirap itong kalimutan. Matagal na panahon bago kami
nagkita ulit.


Wala na ang dating tao na nagustuhan ko. Hindi ko na inalam kung matino na ba siya o talaga
bang nagbago na siya dahil wala na akong pakialam doon. At wala na din kasi akong interes sa
kanya. Natuto na kasi ako!


Hindi ko na inisip na magkakaroon kami ng balikan, ang nasa isip ko lang ay kung papaano ako babangon mula sa pagkakadapang ito. Isang tao na biglang iniwanan ng karelasyon ng gann ganun na lang. Walang dahilan. Ano ang gagawin at sasabihin ko kapag nagkita kami ulit?

Hindi ko na maalala kung paano kami nagkita ulit, pero ang natatandaan ko, ok na ok ako. Wala nang bakas ng kalungkutan. Alam kong labis labis ang pagsisisi niya. Pero ito siguro siguro talaga ang dapat mangyari.

ilang taon na din ang nakakaraan, at may ia akong mahalagang bagay na natutunan. Ang mahalin ang sarili ko. Hindi naman siguro masama kung unahin ko ang mga bagay na sa tingin ko ay makakapagpasaya sa akin. At mas lalong hindi ako pwedeng tawaging LONELY dahil hindi naman ako ALONE. Kasama ko pa din ang mga taong totoong magmamahal sa akin unconditionally. At ito ang mga taong dapat kong paglingkuran at bigyan ng panahon dahil sila lamang higit sa lahat ang pinakanararapat doon.

Walang komento: