6.22.2010

Breaking Up Is Hard To Do

When I was in my teenage years, sobrang active ko sa music... Panahon ng mga girlgroups... Spice Girls, All Saints, Destinys Child...etc... Sinasabayan ko ang mga kanta nila pati mga nusic video nila inaarte ko. Umikot ang buhay ko sa kanila. Sinaulo ko bawat kanta nila. Casette Tape pa noon, wala pa akong pambili ng CD. Akala ko wala nang katapusan,. Pag nagpeperform ako sa school programs, ineemote ko ng todo. Feeling ko isa ako sa members, tulad ni Scary Spice, Shaznay Lewis o di kaya naman si Beyoncé Knowles. Hindi ko lang makopya ang itsura at damit nila, kasi naman mataba ako, at di naman pwedeng mag outfit ng ganoon sa school. Ang init kaya! Pero basta feeling ko member ako ng Spice Girls. Kaya ganoon na lang ang pagka gulat ko nang malaman kong umalis na si Geri Halliwell sa Spice Girls. Isa ako sa mga kabataan na naghangad na maging sila someday. At isa ako sa mga nalungkot ng mabawasan ng isa ang pinakasikat na GIRLGROUP sa buong mundo that time. Alam kong hindi na sila magtatagal as a group. Apektadong apektado ako! Hanggang ngayon hindi na ako ulit nahilig sa kung sino ang sikat na singers. Madalng na madalang! Ni wala nga akong saulong bagong kanta eh. Unlike nung mga panahon na 'yun.Natuwa ako nang magkaroon sila ng sari-sariling solo albums. Pero alam ko na hindi na ito magwo work, dahil mahal natin sila as a GROUP. Nagalit ba ako kay GERI? OO! Bakit naman? Kasi hindi na SPICE GIRLS 'yun pag wala na siya. Para kasi itong katawan, buong buo ang parts, kapag naputulan ka ng paa, wala na... Umasa ako na magreunite sila noon. Hindi pa huli ang lahat. Hanggang tumanda na ako. 2007 nag reunite sila. WORLD TOUR! I even planned to watch their concert sa HONGKONG, kaya lang hindi sila natuloy sa HK! BADTRIP! Pero ok lang, at least nabuo sila ulit. Kuntento na ako sa YOUTUBE, dun na lang ako nanood ng concert nila.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng isang tao na umalis sa isang grupo. Alam kong may sarili silang dahilan na para sa kanila ay tama. Kahit mali pa ang tingin ng mundo sito. Karapatan nila ito. At gusto nila ito. Kahit madaming tao na humahanga sa kanila ang masasaktan. Hindi natin hawak ang utak nila. May sarili silang isip. Naging parte din ako ng grupo na eventually ay nawatak din, pero hindi na ganoon kasakit para sa akin, dahil hindi naman kami umabot dun sa pinakamataas. Siguro sa umpisa, malulungkot ka, kasi bawas na kayo. At hindi nyo talaga pwedeng punan ng ibang tao ang pwesto. Things will never be the same again. Pero nalaman ko ng ako na mismo ang umalis sa grupo na madali lang pala talagang maka move on. Lalo na kung may ibang lugar kang mapupuntahan. At mas maganda. Pero sa kabilang banda, may mga tao kang nasaktan. Pagtitimbangin mo talaga. Pero iisipin mo din kung paano ka din kapag ikaw naman ang iwanan. Wala talagang permanente sa mundong ito.

Parang isang relasyon na akala mo wala nang katapusan. Pero sobra kang masasaktan kapag natapos. Minsan kahit hindi ikaw ang may kasalanan, ikaw pa din ang aasa na sana magkabalikan...

Pero tapos na talaga. Alaala na lang ang pinaghahawakan mo ngayon. Iniisip mo kung sana hindi natapos. Kung sana hanggang ngayon buo pa. Pero wala na talaga. Wala na! Tapos na. Pero gusto mo pa din.

Pero ang lahat ng 'yan, unti unti mo din makakalimutan. Well, hindi man totally, pero makaka MOVE ON ka din in time. Hindi man ganoon kadali. Pero wala kang choice but to go on with your life. Dahil hindi ka dapat mabuhay sa nakaraan. at pag nag move forward ka, maiiwan mo din ang lungkot.


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Walang komento: