3.12.2011

Massive earthquake hits Japan

I usually wake up around 10:30 am, diretso brunch na yan, kapag wala akong work, ganyan ang gising ko.(TAMAD). Kaya madalas, hindi ko alam ang mga nangyayari, kung hindi pa ako magbubukas ng tv, o magbabasa ng aking favorite na tabloid.

I was so shocked sa nakita ko sa tv.(CNN,ANC,TV5) Parang eksena sa pelikulang 2012 at iba pang disaster movies ang nakita ko. Kinilabutan ako!

Lumindol daw. Sa Japan. Nung isang araw pa daw eh, pero iba na kahapon, talagang grabe na, lindol, tsunami, aftershocks, sunog. ganun ka grabe ang nangyari sa Japan. Malapit lang sa Pilipinas, 4 hr flight lang.


Unang lindol na naranasan ko na may alam na ako sa buhay ay noong July 16, 1990. Brownout noon, kauuwi ko lang from school(i was elementary then), nasa inidoro ako. Literal. Nakaupo ako, nang biglang naramdaman ng aking puwitan ang tubig mula sa inidoro. Sabi ko"ano yon at bakit ganon?". Nalaman ko na lang na iyon pala ang lindol nang sumigaw ang Mommy ko at mga kapitbahay. Nalaman namin na grabe pala ang nangyari sa Baguio at Cabanatuan.

Mula noon, naging conscious na ako. May fear na ako na matabunan ng mga gumuhong gusali at kung anu pa. Minsan praning na ako, kahit nakaupo lang ako at may umuuga, akala ko, lumilindol na.

Pero sa totoo lang, wala akong pakialam pa noong unang narinig ko na lumindol sa Japan last week. Alam ko kasi na sobrang ahead sila sa teknolohiya when it comes to buildings. Di ba nga? Sabi nila, umuuga lang ang mga buildings ngayon kapag lumindol. Kaya sabi ko sa sarili ko, "naku kering keri ng Japan yan".
Pero iba na pala ang nangyayari. Base sa napapanood natin sa TV, iba na ito. Galit na talaga si Mother Earth.
Iniisip ko na kung ano ang una kong ililigtas kapag dito sa lugar namin nangyari ito. Naghahanda. nagiisip. Nalilito. natatakot.

Simula na naman ito ng hindi pagkakatulog. Umpisa na naman ito ng takot pumunta sa malalayong lugar.

Pero anupaman, hindi ko kalilimutang magdasal. Tumawag sa kanya. Humingi ng patawad sa DIYOS. Dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. Hindi niya tayo pababayaan. Siya lang ang nakakaalam ng kung ano ang dapat mangyari. May plano siya para sa ating lahat.

Walang komento: